Muling babangon ang Marawi.




Ganito ang naging matatag na pangako ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr sa Malacañang ngayong araw, Hunyo 27.

Ayon sa Pangulo, handa siya umanong maghanap ng mas malaking tulong pinansyal kung kinakailangan, upang muling maitayo ang nasabing siyudad na kasalukuyang winawasak ng giyera laban sa bandidong grupong Maute. Dagdag pa ni Duterte, bagama’t kailangan din ng sapat na pera para sa mga sundalo, desidido siyang gawin ang lahat ng makakaya upang muling ibangon ang Marawi, dahil kung hindi umano niya ito gagawin ay mananatili siya umanong kontrabida.

Samantala, inamin din ni Pangulong Duterte na maging siya ay nagluluksa sa pagkamatay ng ilan niyang kaanak sa Marawi, na nadamay umano sa karahasan ng Maute.

“I already had a complete picture and I knew that it would be a long fight. But kung tanungin ninyo ako kung maligaya ako, anak ng–, I am also bleeding like you. I do not even want to talk about it maski kami diyan sa Cabinet. Kasi nasasaktan ako. Kasi ‘yung ibang mga—may mga pininsan akong nandun sa Maute baka akala ninyo. Because they went there a passion of mind died, nagpunta sila doon isang truck. Taka nga ‘yung mga PSG kung sino ‘yun, sabi ko mga pinsan ko ‘yan hayaan mo,” ani Duterte.

Naniniwala ba kayo na kaya ng Pangulo na muling ibangon mula sa pagkakalugmok ang Marawi? Anuman ang kanyang mabuting layunin, suporta at kooperasyon ang higit niyang kailangan ngayon mga kababayan.

Please SHARE this article!

Source:
GMA News

Loading...

Comments

comments