9 na sundalo ang sugatan matapos ma-ambush ang kanilang sasakyan ngayong araw sa Marawi City. Karamihan sa mga sundalo ay miyembro ng security convoy ni Pangulong Duterte. Ang security convoy na ito ay advance party ni Pangulong Duterte na magiinspeksyon sa pupuntahang lugar ng Pangulo. Bibisitahin kasi ng Presidente ang mga sundalong nagkikipagbakbakan sa Maute group.

(READ: Watch! Senadora Leila De Lima, Nag-Hysterical Sa Harap Ng Madla!)



Ayon sa ulat ng CNN Philippines, gumamit ang mga suspek ng matataas na kalibre ng baril at improvised explosive device (IED) para atakihin ang mga sundalo. Mahigit 5 rebelde ang namataan sa nasabing pagsalakay.

Dahil sa pangyayaring ito, inabisuhan na si Pangulong Duterte na huwag ng ituloy ang pagpunta sa Marawi City. Nanindigan naman ang Presidente sa pagpunta sa lugar at tila naghamon pa ng barilan.

“I’m just simply going there, the advice was to postpone, I said no, I will go there. And if possible, take the same route, maybe we can have a little gunfight here, gunfight there.” sabi ng Pangulo.


Anong masasabi mo sa desisyon ng Presidente na pumunta pa rin sa Marawi City?

Always visit IgnitePinoy.com for the latest viral and trending stories.
Please follow us on our Facebook and Twitter account.

Source:
CNN Philippines

 

Comments

comments