Magandang balita mga kababayan! Mukhang ipinatutupad na ni Pangulong Duterte ang pangako niyang mabilis na transaksyon sa ahensya ng pamahalaan, dahil nararamdaman na ng iba ang Duterte Effect.

(READ: Bawal Ang Hindi Naka-Ngiti Sa Ahensya Ng Gobyerno)


Sa video na pinost ni Teacher Benjamin B. Eugenio Jr., tuwang-tuwa na ikinuwento ng guro kung gaano kabilis ang naging transaksyon niya sa pagre-renew ng kanyang teacher license sa Professional Regulation Commission sa Manila noong August 3. Inabot lang raw siya nang mahigit 3 oras para mai-renew ang kanyang lisensya.

Ayon kay Eugenio, dati raw ay inaabot ng 3 araw ang pag-proseso ng renewal ng lisensya. Base naman sa mga komento sa video, mayroon pa raw umaabot ng 4 na buwan. Umani ng postibong reaksyon ang video ni Eugenio at nai-SHARE na rin ito ng 4,809 na beses.

(READ: Pagsusugal at Pamamasyal ng mga Empleyado ng Gobyerno Habang naka-Duty, Kinondena ni Duterte!)

“If you notice napaka-iksi ng pila ng mga nagre-renew at kumukuha ng kanilang lisensya. It’s very very amazing under the President Duterte’s Administration. Keep it up Mister President” dagdag pa ni Eugenio.

Basahin ang mga komento sa video ni Teacher Eugenio.

Watch! Blazing Fast Government Transaction Made This Teacher Very Happy - 2

Kaya naman pala pabilisin ang mga transaksyon sa gobyero eh. Bakit hindi ito nagawa ng mga dating administrasyon?

Kayo? Bilib ba kayo sa nagawa ng Duterte Administration?

Always visit IgnitePinoy.com for the latest viral and trending stories.
Please follow us on our Facebook and Twitter accounts.

Source:
Benjamin Eugenio Jr. Facebook Page

Comments

comments