Mass report ang inabot ni Sass Rogando Sasot sa Facebook at dahil dito ay pansamantalang na-lock ang account ng nasabing writer. Si Sasot ay isang transpinay na taga-suporta ni President Rodrigo Duterte at sa kampanya ng Presidente laban sa iligal na droga. Sa mga Facebook posts ni Sasot, makikitang kritikal ang writer sa mga ipokritong kritiko ni Pangulong Duterte.

(READ: Watch! Anak Ni Duterte, Hinamon Ni Baron Geisler Magpa-Drug Test?)

Sa isang Facebook post, sinabi ni Sasot na ilang beses na siyang nakakatanggap ng alerts mula sa Facebook na  mayroong nagtatangkang magpalit ng kanyang password. Hindi pa natigil ang mga harassment ng pwersa ng anti-Duterte at pinagrereport pa ang kanyang account para pansamantalang ma-blocked ito sa Facebook.

(READ: Watch! Lola Masaya Sa Pagkamatay Ng Kanyang Drug Pusher Na Pamangkin)

Ilang beses na ring nakipagpalitan ng argumento si Sasot sa mga kilalang kritiko ng Pangulo. Kamakailan lang ay pinuna niya ang ka-ipokritohan ng dating Congressman na si Walden Bello. Nangyari ito nang ngumangal sa social media ang talunang senatorial candidate.

Malamang kaya pinagrereport ng mga anti-Duterte ang Facebook account ni Sasot ay dahil hindi nila kayang makipagsabayan kay Sasot. Nilalampaso na sila ni Sasot sa online debate, ang tanging paraan na lang siguro nila ay ang patahimikin ang writer sa pamamagitan ng pagreport sa kanyang Facebook account.

Always visit IgnitePinoy.com for the latest viral and trending stories.
Please follow us on our Facebook and Twitter accounts.

Source:
NewsInfoManila

Comments

comments