Nagpost na naman si Baron Geisler ng isang video sa internet, kung saan may hinahamon siyang magpa drug test. Ang problema lang sa video ni Baron ay wala siyang binabanggit kung sino ang hinahamon niya.

(READ: Watch! Lola Masaya Sa Pagkamatay Ng Kanyang Drug Pusher Na Pamangkin)

Pero kahit walang pangalan si Baron sa kanyang video, napansin ng mga netizens na si Baste Duterte ang hinahamon ng  aktor. Dahil raw ito sa mga katagang “your son” na paulit-ulit na binaggit ni Baron sa kanyang video. Kamakailan lang may pinost din si Baron na video, kung saan pinupuna niya ang Pangulo ng Pilipinas.

(READ: Watch! Supporter Ni Duterte Nag-alay ng Kanta Para Kay De Lima?)

Agad naman kinutya ng mga netizens si Baron Geisler dahil sa pagpapapansin ng aktor. Karamihan sa mga negatibong komento na natanggap ni Baron, ay ang pagiging laos nito kaya gumagawa na lang daw ng paraan para mapansin.

Ilang beses nang nasangkot sa iba’t-ibang iskandalo itong aktor na ito. Napabalita na dati ang panghihipo ni Baron sa dibdib ni Cherry Pie Picache. Nagkaroon rin ito ng isyung ” acts of lasciviousness” sa anak nila William Martinez at Yayo Aguila. Inireklamo rin ito ni Yasmin Kurdi dahil sa kabastusan.

Kayo? Ano masasabi niyo kay Baron Geisler?

Always visit IgnitePinoy.com for the latest viral and trending stories.
Please follow us on our Facebook and Twitter accounts.

Source:
Mocha Uson Blog
DZRH News

Loading...

Comments

comments