Ano’ng klaseng tao ang kayang gumawa nito? Tao pa nga ba siyang maituturing?




Isang 79 anyos na babaeng manghihilot ang walang-awang dinukutan ng mga mata ng kanyang kapitbahay sa Cebu City.

Sa ulat ng GMA News, kasalukuyang nagpapahinga sa loob ng kanyang sariling bahay ang biktimang si Lola Faustina Helay nang biglang pumasok ang kapitbahay nito na si Manuel Sumalpong para magpahilot.

Tumanggi umano ang matanda dahil na rin masama ang kanyang pakiramdam, at kaagad itong ikinagalit ni Sumalpong. Dahil umano sa inis, walang kaabug-abog na sinunggaban ng suspek ang matanda at dinukot nito ang mga mata ng biktima gamit ang isang kutsara.

Sa salaysay ng apo ng biktima, nakita na lamang nilang nakahiga ang kanilang lola, at nang subukan nila itong patayuin ay nalaglag na ang kanang mata nito habang ang kaliwang mata ay nakalawit pa.

Naaresto ang suspek sa isinagawang follow-up operation ng pulisya. Nabalot naman ng poot ang ilan pang kapitbahay ng biktima nang malaman ang kalunus-lunos na sinapit ng matanda. Pinagtulungan nilang paulanan ng bugbog ang suspek na kasalukuyang nasa ospital dahil sa mga sugat na tinamo mula sa mga galit na galit na taumbayan.

Grabe ka manong. Nasaan ang kunsiyensya mo para gawin ang ganyang kahayupan sa matanda?

Kung kayo ang tatanungin, ano’ng parusa ang dapat ipataw sa mga ganitong klase ng kriminal?

Please SHARE this article!

Source:
GMA News

Loading...

Comments

comments