May kumakalat ngayon na mga online posts kung saan ipinahihiwatig na sinadya ang pagkamatay ni dating DILG Secretary Jesse Robredo. Nalaman umano ng dating kalihim, ang koneksyon ng ilang PNP Generals at ilang gabinete ni Aquino sa malawakang kalakalan ng iligal na droga sa bansa.

Namatay si Jesse Robredo noong Agosto 2012, nang bumagsak ang sinasakyan niyang eroplano papuntang Naga City. Noon pa man ay mayroon nang pagdu-duda sa totoong dahilan ng kanyang pagkamatay.

Sa isang facebook post na galing umano kay Jose Alejandrino, ilang heneral raw ng Philippine National Police ang natuklasan ni Robredo na dawit sa bentahan ng iligal na droga. Natuklasan rin raw ng dating kalihim ang koneksyon ng ilang miyembro ng gabinete ni Aquino sa droga.

” Before he died in a fatal plane crash, he was investigating druglords and their connections to the PNP. He discovered the links to some generals, notably two who have been named publicly among 5 by President Duterte. Jess kept the files and to avoid them being stolen, most likely kept them at his condo. Jess informed President Aquino of his investigations. The problem was it was not only the druglords who had links to some PNP generals but as Jess dug deeper found they had links to Palace officials .” sabi sa Facebook post.

Ayon pa sa Facebook post, Inutusan rin raw ni Aquino si DILG Usec Rico Puno na puntahan ang condo unit ni Robredo para hanapin ang mga ebidensyang makakapagpatunay sa koneksyon ng ilang gabinete sa malawakang bentahan ng droga.

Tugma ito sa isang report ng ABS-CBN, kung saan pinilit pasukin ng grupo ni Puno, kasama si General Pagdilao, ang condominium unit ni Robredo sa Quezon City para kuhanin ang ilang sensitibong dokumento.

Napansin rin ito ng Journalist na si Inday Espina-Varona.

Nagbigay din ng opinyon si Governor Gwendolyn Garcia kaugnay rito.

Jesse Robredo Sinadyang Patayin 3

Source:
Kickerdaily
ABS-CBN News
Tomas Decena Essa Abdulmalik Facebook Post
Inday Espina-Varona Facebook Post
Governor Gwendolyn Garcia Facebook Post

Comments

comments