Bumulusok muling pataas ang markang ibinigay ng taumbayan na nasisiyahan sa kasalukuyang pamamalakad ni Pangulong Duterte.


Ayon sa huling tala ng Social Weather Stations survey na isinagawa noong Hunyo 23 hanggang 26 ngayong taon, nakakuha ang Pangulo ng +66% na net satisfaction. Tatlong puntos na mas mataas ito kaysa noong nakaraang Marso. Ito ay sa kabila ng kasalukuyang krisis sa Marawi kung saan nagdeklara ang Presidente ng Martial Law.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, ang resulta ng nasabing survey ay nagpapakita lamang ng walang humpay na suporta at buong pagtitiwala ng sambayanan sa pamamahala ni President Duterte.

“Ang positibong pagkilala na ito ng mga Pilipino ay magsisilbing gabay at inspirasyon ng administrasyon upang lalo pa nitong pagbutihin at gawin ang lahat ng makakaya na muling ibangon ang Marawi, at mapanumbalik ang payapa at kumportableng pamumuhay ng lahat ng Pilipino, gayundin ang mga kapatid nating Muslim,” saad ni Abella.


Samantala, habang nananatiling maganda ang markang ibinibigay ng nakararami kay Pangulong Duterte, patuloy ring nagngangawngaw ang mga anti-Duterte at hindi matanggap ang mataas na rating na ito ng Pangulo.

Please SHARE this article!

Source:
SunStar MANILA

Loading...

Comments

comments