We are paid by the people to work eight hours a day. Bayad tayo. So ‘pag inindian mo ang tao, eh wala ka sa opisina mokagaya ng national, local, pareho rin-after lunch break, na nasa mga mall, papasyal-pasyal, ‘pag nangyari ‘yan ulit, I will dismiss you“.

Ito ang naging mariing pahayag ni president Rodrigo Duterte patungkol sa umano’y ilang empleyado ng pamahalaan na nagliliwaliw sa oras ng kanilang trabaho sa halpi na gawin ang kanilang tungkulin sa opisina.

I would like to ask PAGCOR to prohibit lahat ng taga-gobyerno, pati ‘yung mga asawa, pamilya, o deny them entrance sa mga casinos. I do not want people lalo na sa gobyerno, papasuk-pasok dyan“, dagdag pa ng Pangulo.

Samantala, hindi rin nakaligtas sa paningin ni “Digong” ang umano’y madalas na pagkuha ng “First Class Seats” sa eroplano ng mga kawani ng gobyerno sa tuwing sila ay bibiyaheng panghimpapawid.

Hanggang economy lang tayo“, anito.

Matatandaang nito lamang Hulyo 8, sa paglipad ni Duterte patungong Davao City, siya mismo ay piniling sumakay sa isang premium Economy Section ng PAL, at tumanggi rin siyang bigyan ng VIP Treatment.

Source:

 GMA News

Loading...

Comments

comments