Sa Facebook post na nagpakilalang Alyssa Marie Zaragoza Leabres, ikinuwento niya ang naging karanasan niya habang kumakain sa SM Manila. HIndi pinangalanan ni Leabres ang kainan pero base sa imahe na iponost niya at sa mga komento ng mga kaibigan niya, Pizza hut ang tinutukoy ng dalaga. Ayon kay Leabres, mabagal daw ang serbisyo ng naturang branch ng kainan at hindi man lang raw sila hinarap ng manager on duty noong nag-reklamo sila. Nagbigay rin ng payo si Leabres sa mga kumakain sa loob ng mga mall.

“Kumain kami kanina sa isang kainan sa SM MANILA ng pinsan ko and unexpectedly may nakita kaming BATTERY na nakasama mushroom soup pagkahalo ko nun. Hindi namin alam kung anong gagawin nung mga oras na yun dahil nabigla kami pero pinalitan lang nila yung soup at nag offer ng kung ano mang pagkain pero hindi namin tinanggap. Hindi man lang kami kinausap o hinarap ng manager. Ang bagal pa ng service. Sana maging aware tayo sa mga kinakainan natin nasa mall man o hindi. Mamahalin man o hindi. Safety and sanitation yun isa sa dapat natin iconsider. Hindi ko na lang papangalanan yun kainan pero mag ingat tayo sa mga kinakain natin. God bless!”

Humingi na ang paumanhin ang Pizza Hut kay Leabres sa pamamagitan ng text.

Kung kayo ang nakaranas nito, ano ang gagawin niyo?

Always visit IgnitePinoy.com for the latest viral and trending stories.
Please follow us on our Facebook and Twitter account.

Source:
Alyssa Marie Zaragoza Leabres Facebook Page

Loading...

Comments

comments