“Those who came before him likewise took some days off occasionally because of health issues. For me, it’s no big deal.”

Ito ang naging reaksyon ni Senador Panfilo Lacson kaugnay ng hindi pagdalo ni President Duterte sa Independence Day Rites na isinagawa noong June 12. Ayon pa kay Lacson, hindi raw maaasahan na parating nasa mabuting kondisyon ang katawan ng Pangulo. Kailangan daw ng Presidente na magpahinga upang matugunan nang maayos ang mga problema sa bansa.

“The human body, especially that of a 71-year old who happens to be the president of a country that has to deal with all sorts of problems like the secessionist movement in the south, NPA insurgency, illegal drugs and crimes, with corruption in government to boot, is not expected to always stay in shape. President Duterte is no exception,” sabi ni Lacson.

Kasunod ng nabanggit na hindi pagdalo ng Pangulo, binanatan naman siya ng pambabatikos ni Senator Trillanes, na inalmahan naman ng maraming netizens. Ayon kay Trillanes, wala umanong disiplina si Pangulong Duterte.

Sang-ayon ba kayo sa mga naging paliwanag ni Senator Lacson?

Please SHARE this article!

Source:
GMA News

Loading...

Comments

comments