Sa scorecard na 114-113,118-109 at 118-109, tinalo ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao ang World Boxing Organisation (WBO) Welterweight Champion na si Jessie Vargas. Ito ang unang panalo ni Pacquiao habang naka-upo bilang senador. Sa boxing match na isinagawa sa Las Vegas, makikitang na-domina ni Senator Pacquiao ang buong laban. Mula umpisa, hanggang sa huling round ay mapapansin ang lakas at bilis ni Pacquiao. May ilang pagkakataon rin na napabagsak ni Pacquaio si Vargas.

Sa pagkapanalo ni Pacquiao, muling napabuti ang boxing records ng Pambansang Kamao. Nakapagtala na si Pacquiao ng 59 na panalo at 6 na talo, habang si Vargas naman ay nakatikim ng pangalawang talo sa kanyang professional boxing career. Unang nakatalo kay Vargas ang nakalaban na ni Pacquiao na si Timothy Bradley.

Hindi naman isinasara ng kampo ni Pacquiao ang posibilidad na makatunggali muli si Floyd Mayweather Jr.. Matatandaang natalo si Pacquiao kay Mayweather nakaraang taon dahil sa iniinda nitong injury sa kanyang braso.

Anong masasabi niyo sa pagkapanalo ni Pacquiao? Gusto niyo pa rin bang magpatuloy sa boxing ang Filipino boxing icon? o mas gusto niyo na lang siyang mag-focus sa kanyang trabaho sa senado? o mas maganda ng magretiro na si Pacquiao habang hindi pa ito nalalaos?

Always visit IgnitePinoy.com for the latest viral and trending stories.
Please follow us on our Facebook and Twitter account.

Source:
GMA News
Lyn Olavario

Loading...

Comments

comments