Ibinulgar ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang 18 na unibersidad na umanoy pagkukuhanan ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ng mga estudyante para sumama sa kanilang “Oust Duterte” movement.

“Ang bago ngayon ini-incite nila ‘yung mga estudyante na umalsa dahil dito sa mga issues na EJK…kaya nagfi-film showing sila para maalala nila ‘yung mga nangyari nung ML,” sabi ni AFP Assistant Deputy Chief of Staff for Operations Brig. Gen. Antonio Parlade.

Loading...

Ayon pa sa impormasyon ng AFP, kasama ang University of the Philippines (UP) Diliman, UP Manila, Polytechnic University of the Philippines (PUP) Sta. Mesa, Eulogio “Amang” Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST), San Beda, Lyceum, University of Makati, Caloocan City College (University of Caloocan), University of Manila, Ateneo de Manila University (ADMU), Dela Salle University (DLSU), University of Santo Tomas (UST), Adamson University, Far Eastern University (FEU), University of the East (UE) Recto and Caloocan, Emilio Aguinaldo College (EAC), at Philippine Normal University (PNU) sa mga eskwelahan na ginagawa ngayong recruitment center ng mga rebeldeng komunista.

Papayag ba kayo na magwagi ang mga komunista sa kanilang plano. Ikalat po natin ito ng husto para malaman ng mga kababayan natin.

Source: Manila Bulletin